2 solo winner sa 2 winner-take-all

MANILA, Philippines – Dalawang solo winner ang naitala sa dalawang winner take all kung saan ang isa ay umabot sa P2,146,505 at ang ikalawang set ay P1,025,979.

Maging sa pick six ay nagkaroon muna ng patamang P177,382 at mas malaki pa rin ang inabot ng second set dahil P414,810 na ito.

Maging sa pick five ay malaki rin ang P42,744 na naiguhit sa unang set at P31,382 naman ito sa kasunod na set. At sa pick four naman ay umabot sa P10,037 ang dibidendo.

Lindol ang nilikha ng mga dibidendo na may aftershock pa dahil nag-iwan rin ito ng carry over sa super six na umabot sa P68,465 na sa Abril 21 na mapaglalabanan.

Unang nagpasabog ang Piskante na panlaban ni Hermie Esguerra na siyang nagwagi sa labanan ng mga three year old local fillies & colts.

Tinalo nito ang mga pinapaborang Sky Dancer, Secret Kingdom, Spectrum at Johnny Be Good.

Kumana rin ang dehadong Tan Goal na ginaba-yan ni J.B. Guce. Kabilang sa mga tinalo ng Tan Goal ay ang paboritong sina Tap Dance, Manalig Ka at Our Angel’s Dream.

Mas higit na nakabibigla ang panalo ng dehadong Royal Kapupu na ginabayan ni Rodeo G. Fernandez. Tinalo nito ang outstanding favorite na The Fountainhead sa ginanap na Romy Cheng Tejeda tribute race.

Nagkaroon din ng hindi inaasahang insidente nang ang paboritong si Space Needle na dinala ni J.T. Zarate ay nangayaw sa aktuwal na laban.

Sa may pinaka-malaking papremyo pa naman sila kasali na P1,500,000 ang para sa winner.

Ang naturang karera ay para sa mga three year old na Gintong Lahi Graduate at ang nangibabaw rito ay si Dewey Boulevard na sinakyan ni J.B. Hernandez. (JM) – Pang-Masa