3 kabayo babantayan

May tatlong kabayo ang aabangang manalo ng mga karerista ngayong gabi sa Saddle & Leisure Club sa Santa Ana Park, Naic, Cavite.

Ang una ay ang Tagapagmana na isang tatlong taong gulang na kabayo at posible ring maging kontender sa Triple Crown o sa Hopeful Stakes.

Nakalinya ang Tagapagmana sa three year old handicap-4 na bibitiwan sa ikaapat na karera sa alas-8:00 ng gabi at sa tingin ng mga racing experts ay magiging outstanding favorite ito kontra sa anim pang mga kalaban.

Bago iyan, sa isang handicap-6 ay ang Diamond’s Gold na papatungan ni Jessie B. Guce ang inaasahan ring mananalo matapos maungusan ng Himpapawid sa huli nitong takbo.

Inaasahan rin ng mga clockers ang pagiging top favorite ng Diamond’s Gold sa grupo nito na may pito pang kalaban. Ang Lady Leisure at Jazz Act ang ipinalalagay na mabibigat nitong kalaban.

Sa isang handicap-4 naman ay ang Oyster Perpe-tual na papatu-ngan ni Reynaldo O. Niu Jr. ang pangunahing taya ng mga eksperto.

Pang-apat lang ang Oster Perpetual sa nakaraang takbo sa mas mahigpit na grupo. (JMacaraig)



Add a Comment

Your email address will not be published.