3YO Maiden Race lalarga sa Mayo

WALA pang abiso kung kailan ang balik ng karera matapos makansela ang operasyon noong Marso 20. Pero naglabas na ang Philippine Racing Commission (Philracom) ng imbitasyon para sa magaganap na 2021 Three-year-Old Maiden Stakes Race na ilalarga sa Mayo 23 sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.

“Open to all registered locally bom 3-Year-Old horses that have participated in a Novato race,’ post ng Philracom sa kanilang Facebook page.

llang stakes race na rin ang naapektuhan dahil sa pagkansela ng karera kasama na rito ang 2021 Philracom Commissioneds Cup na dalawang beses nang nasalto.

llang stakes race na rin ang naapektuhan dahil sa pagkansela ng karera kasama na rito ang 2021 Philracom Commissioner’s Cup na dalawang beses nang nasalto.

na iskedyul ng Commissioner’s Cup noong Marso 21, naurong ang petsa at ngayong araw sana pasisibatin ngunit dahil nasa ilalim ng enhanced community quarantine (ECQ) ang National Capital region (NCR) ay hindi ulit matutuloy ang bakbakan.

Hanggang ngayong araw ang ibinabang pansamantalang suspensiyon ng karera at inaabangan pa ng mga karerista ang susunod na abiso.

Sanhi ng pagkansela ng mga karera ay dahil sa patuloy na pamiminsala ng coronavirus (COVID-19) kaya muling hinigpitan ng gobyerno ang health at safety protocols. (Elech Dawa – By: Abante News Online)



Add a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *