Jonathan B. Hernandez ang winningest Jockey

# JOCKEY EARNINGS RIDES 1 2 3 4
1 HERNANDEZ JB 4,006,942.54 584 162 94 95 78
2 GUCE JB 3,565,318.74 778 148 121 126 104
3 GONZALES MM 2,786,756.41 626 143 121 80 79
4 ZARATE JT 2,398,267.92 521 117 78 71 62
5 ABOBO KB 2,368,916.46 574 102 77 88 75
6 ALVAREZ MA 2,343,385.06 537 88 75 89 70
7 GUCE JA 2,333,247.37 487 88 73 56 53
8 CORTEZ OP 1,989,484.43 521 97 75 80 83
9 HENSON CP 1,671,784.34 656 72 68 75 88
10 RAQUEL FM JR 1,369,648.32 315 56 47 40 40
11 FERNANDEZ RG 1,296,457.09 361 48 58 52 37
12 ASUNCION AP 1,121,227.42 244 48 27 47 29

Lumabas sa record na itong si jockey Jo­nathan Basco “Unoh” Hernandez ang siyang may pinakamalaking premyong natanggap sa karera ng kabayo ngayong taong 2016.

Si Unoh ay nagbulsa ng mahigit sa apat na milyong pisong kita mula sa kanyang 162 panalo, 94 na pagsegundo, 95 na pagtersero at 78 na ikaapat na puwesto sa kabuuang 584 na sakay.

Ang pumapangalawang kumita ng malaki ay ito namang si Jessie Basilio Guce na nakaipon ng mahigit sa P3.5-milyon bunga ng kanyang 148 na panalo, 121 na pagsegundo, 126 na pagtersero at 104 sa ikaapat. Iyan ay nakuha niya sa 778 na sakay.

Ang apprentice jockey na nakalinyang pumasok sa pagi­ging class-A rider na si Mark M. Gonzales ang siyang pumapangatlo sa kitaan sa kabuuang P2,786,756 hindi pa kasama ang mga panalo sa kasalukuyang buwan ng Disyembre, 2016.

Si Gonzales na naipalalagay na ka­sing istilo ni Unoh ay pinagkatiwalaan ng 626 pagsakay at mula rito ay 143 ang kanyang ipinanalo, 121 ang isinegundo, 80 ang tersero at 79 naman sa ikaapat na puwesto.

Nakahanay din sa pagiging milyonaryong hinete sa kinita si Jeffrey Tabular Zarate na nakapagsilid ng P2,398,267 mula sa kanyang 117 panalo, 78 na pagsegundo, 71 na pagtersero at 62 na pang-apat na puwesto. Siya ay sumakay ng 521 beses.

Ang tinatawag na superman jockey na si Mark A. Alvarez ang nasa ika-anim na puwesto sa kanyang natipon na P2,343,384 mula sa kanyang 537 na pagrenda ng kabayo. Mayroon siyang 88 wins, 75 seconds, 89 third at 70 fourth placer.

Si John Alvin Guce naman ang nasa ikapitong puwesto sa kanyang earnings na P2,333,247 dahilan sa kanyang 88 na panalo, 73 na pagsegundo, 56 na pagtersero at 53 na pang-apat mula naman iyan sa 487 rides.

Papasok na rin sa pagiging class-A rider itong si Onil P. Cortez, pero ngayon pa lamang ay milyonaryo na sa kinitang P1,989,484 hindi pa kasali ang buwan ng Disyembre, 2016.

Si Cortez na isa rin na kinakikitaan ng husay sa pananakay bilang apprentice ay mayroon nang 97 wins, 75 seconds, 80 thirds at 83 four placers mula iyan sa kanyang 521 rides.

Si Conrad P. Henson na napagkatiwalaan ng 656 na sakay ang may mahigit na P1.6-milyon na kinita. Mula rito ay nanalo siya ng 72 beses, 68 na pagsegundo, 75 na pagtersero at 88 na pang-apat.

Kasama rin sa mga naging milyonaryong hinete sa taong 2016 si Fernando M. Raquel Jr., na nagbulsa ng P1,369,648. 315 lamang ang ipinagkatiwala sa kanyang bisig, pero mula rito ay nag-ikot siya ng 56 panalo, 47 pagsegundo, 40 pagtersero at 40 na pang-apat.

Milyonaryo rin si Rodeo G. Fernandez sa kanyang income na P1,296,457 at ito ay nanggaling sa kanyang 48 na panalo, 58 na pagsegundo, 52 na pagtersero at 37 na pang-apat.

At ang huling pumasok bilang milyonaryo rin ay si Apoy P. Asuncion na mayroong kinitang P1,121,227 sa kanyang nairehistrong 48 wins, 27 seconds, 47 thirds at 29 fourth placers mula sa 338 rides. (JM)

Rankings – Earnings and Winnings



Add a Comment

Your email address will not be published.