Karerang pangmayaman nakalinya sa programa

Ang karera ay maituturing na poor man’s game na ang ibig sabihin ay mas maraming mananaya na may maliit na puhunan ang nagbabakasakali.

Pero ang linyada ng programa ngayong gabi ay pa-karera para sa mga may kaya o iyong maraming pantaya.

Sa isang iglap ay masasabi ng sinumang karerista na magiging liyamado ang labanan ayon sa mga racing experts.

Sa unang karera ay sinisiguro na ang kabayong Hello Wednesday na patatakbuhin ni Jonathan B. Hernandez.

Ang Blue Phoenix naman na sasakyan ni W.C. Utalla ang nagkakaisang pili ng mga race analyst o sa ikatlong karera at sa race four ay ang Wind Factor na rerendahan ni Ramon D. Raquel Jr., ang siyang pinandiin ng mga clockers.

Sa isang PRCI Invitational race-12 sa ikalimang karera ay ang Cock A Doodle Doo ang inaasahang mananalo dahil gagabayan ito ni Dan Camañero.

Ang kasunod na karera naman na isang PRCI Invitational race-16 ay ang Batang Carmona na patatakbuhin ni B.L. Salvador ang siyang nagkakaisang pamprimera ng mga tiyempistas.

Naiatang naman kay Christopher V. Garganta ang renda para sa ikapapanalo ng Professor Jones sa ikapitong karera na PRCI Invitational race-10.

Sa huling karera ay ang Leonora’s Angel na kapapanalo lang sa nakaraang takbo ang siyang pamoste ng mga karerista sa isang super six event. Si Mark M. Gonzales ang gagabay sa Leonora’s Angel sa pagsabak sa isang 1,200 metro distansiyang karera. (JM)



Add a Comment

Your email address will not be published.