Puting Biyaya, Biyaya Talaga

Magaling at masasabing nasuwertehan nitong si horse owner Tek Chua ang pagkakabili niya kay Puting Biyaya (Burubudour – Foolish Quest) noong nakaraang taon.

Malaking biyaya ang iniakyat sa kanya ng kabayong­ ito lalo na ngayong taon na meron na itong nailistang 12 panalo. Kung isasama ang isang panalo nito noong nakaraang taon, naka-13 na.

Walang pinipiling hinete itong kabayong ito,” ang sabi ni Boss Tek (mas kilalang tawag sa kanya sa karerahan) na halos dalawang dekada na rin bilang horse owner.

Ilan sa mga rumenda rito ay sina jockeys RC Tabor, JM Saulog at Fernando Raquel Jr.

Nabili niya si Puting Biyaya bilang 3-year-old sa halagang P350,000 pero sa maraming panalo nito sa pista, sulit at sobra-sobra pa ang naiakyat nito kay Boss Tek, nakilala rin sa mga kabayong sina Real Treasure, Splash of Flash, Colonial Star at Mr. Sensitive.

Pagkabili niya dito ay agad itong nasegundo sa kanyang maiden race kay Okatokat bago nanalo sa sinundang laban. Ngayong taon, bukod sa 12 panalo ay meron din siyang tatlong segundo at isang tersero.

“Laging out to win talaga ‘yan kapag kakayanin. Mabuting kabayo at stayer talaga siya,” dagdag pa niya.



Add a Comment

Your email address will not be published.