Maraming nasorpresa sa pagkapanalo ng Radio Active

Impresibong panalo ang ipinakita ng Radio Active sa unang leg ng the Philippine Ra­cing Commission Triple Crown series para sa elite 3YO Thoroughbreds na ginanap sa Santa Ana Park sa Naic, Cavite.

Ang panalo ng kaba­yong sinanay ni Nestor Manalang-trained ay nagkakahalaga ng P1.8 million sa may-aring SC Stockfarm Inc., na siya ring komopo ng P100,000 breeder’s purse sa panalo ng kabayong galing sa US-breds na Lim Expensive Toys at Lacquaria.

Ang Underwood at Space Needle na parehong mula sa Stony Horse Farm Inc., ang pumangalawa at puma­ngatlo para sa P675,000 at P375,000, ayon sa pagkakasunod. Ang Subterranean River ni Wilbert Tan ang tumapos na pang-apat para sa prem­yong P150,000.

Ang mayamang three-leg series, ang pinakaprestihiyosong karera sa bansa na nilalahukan ng mga pinakamahuhusay na kabayo, ay halaw sa United States Triple Crown na kinabibila­ngan ng mga pakarerang Kentucky Derby, Preakness Stakes at Belmont Stakes na itinatakbo rin sa mahahabang distansiya.

Di inaasahan ang panalo ng Radio active na ginabayan ni John Alvin Guce na minultahan ng P1,000 dahil sa pag-tayo nito sa bakal bago tawirin ang finish line ng 1,600 metrong karera, sa sobrang kagalakan.

Iba-iba ang nanalong kabayo sa Triple Crown noong nakaraang taon na pawang mga longshots na Superv, Court of Honor, at Miss Brulay.

Noong 2014, pinagharian ng kaba­yong Kid Molave ang tatlong legs ng Triple Crown para sa owner na si Emmanuel Santos para sa karagdagang P500,000 bonus mula sa Philracom dahil bibihira lamang ang nakakagawa nito.

Ang Triple Crown series ay sinimulan noong 1978 kung saan ang Native Gift winning ang nanalo ng unang dalawang legs bago ipinagkait ng Majority Rule ang sweep.

Sampu lamang ang Triple Crown cham­pions ay ito ay ang Fair and Square noong 1981, Skywalker (1983), Time Master (1987), Magic Showtime (1988), Sun Dancer (1989), Strong Material (1996), Real Top (1998), Silver Story (2001), Hagdang Bato (2012), at Kid Molave (2014).



Add a Comment

Your email address will not be published.