Mga hinete naman ang mag-uunahan

Mga pasakalye ng National Philippine Jockey’s Association races ang gaganaping ngayong araw sa Santa Ana Park bago ang inaabangang jockey’s day bukas.

May 14 na hinete ang magkakarerahan at magpapakita ng kanilang stamina at bilis sa mismong racetrack na dinaraanan ng mga kabayo sa 100 meters na karera sa ika-4:00 ng hapon.

Ang 14 na hinete ay inisponsoran ng mga tao, kumpanya at karerahan mismo na ang pondong nalikom ay ibabahagi sa mga disabled jockeys na hindi na nakasasakay.

Kabilang sa mga hinete ay sina F.M. Raquel Jr., E.M. Raquel, D.D. Pagar, J.M. Saulog, Dan Camañero, Val Dilema, A.M. Basilio, J.B. Hernandez, L.F. De Jesus, D.L. Camañero Jr., S.D. Carmona,, R.O. Niu Jr., K.B. Abobo at R.R. Camañero.

Ang mga sponsors naman na nag-ambag ng tig-P10,000 at P5,000 ay sina Hermie Esguerra, Rolando M. Barredo, Ric Aquino, Ding Pangili-nan, MMTCI, Rommel Fernandez, Joey Villanueva, SLLP, Luis Chudian, Noni Neri, Pinoy Henyo Karerista Group, PCSO, PRCI, Macky Maceda, DLTB Company, Narciso Morales, Dondon Babon at Jeleina Trading.

Sampung karera ang nailinya ng handicapping office ng Santa Ana Park. At ang ilan sa pakarera ngayon ay ang Cool Summer Farm Special race, Ric Aquino Special Race, Ciara Marie Abalos Foundation special race, SC Stockfarm special race, Rene Villoria.

Ang ilan sa mga ipinalalagay na angat sa kani-kanilang grupo ay Striking Colors na rerendahan ni Jessie B. Guce sa unang karera, Biseng Bise na dadalhin ni Mark Alvarez sa ikatlong karera. Sa ikapito naman ay inaasahang kakana ang Mighty Pride ni J.B. Guce, sa ikasiyam ay tila pupuwesto ang Tapped It na sasakyan ni Jeffrey T. Zarate at sa huling karera ay inaasahang angat ang Andre’s Easter na papatungan ni Dan Camañero. (JM)



Add a Comment

Your email address will not be published.