P1.9M dibidendo hatid ng Becker, Rafa at Rosario

Tatlong matitinding dehadong kabayo ang nanalo nitong Martes ng gabi para magkaroon tayo ng panibagong solo winner na sa mahigit P1.9-milyon sa winner-take-all sa karerang ginanap sa Metro Turf, Batangas.

Unang nagpasikat ang Becker na nirendahan ng class-D rider na si E.C. Tolentino na nanalo sa handicap-3 race.

Ang Becker na apat na taong kastanyong kabayo na pag-aari ni Engineer Rene Viloria at kinukundis-yon ni trainer Jeci A. Lapuz ay tila pinaka-liyamado sa naturang karera nang madaling lumampas sa kanyang mga kalaban sa rekta patungo sa finish line.

Ang Rafa na panlaban ni Bayani Coching at nirendahan ni Mark A. Alvarez ang nagwagi sa summer racing festival-16. Tinalo niya ang higit na pinapaborang Moderne Light ni J.T. Zarate at Girl On Fire ni A.P. Navarosa.

Sa pagpihit ng line-up ay kumana ulit ang isa pang dehadong Furniture King mula sa koneksyon nina R.L. Abacan, R.L. Cariaga at sinakyan ni J.B. Guce.

Sa handicap-8/9 merged ay dinaig ng Furniture King ang higit na ina-asahang Heiress Of Hope na dinala ni A.R. Villegas, Magatto na pinatungan ni K.B. Abobo, Bull Session at Aquamarine.

Lalong tumindi ang pagiging one winner sa take all, pinaremate ang Rosario Princess ni apprentice Allan S. Pare sa huling karera na summer racing festival-18. (JM)