P630K super six nahagip noong Linggo sa Metro Turf

Tinamaan sa wakas ng isang masuwerteng karerista ang mailap na super six event noong Linggo sa Metro Turf, Malvar-Tanauan, Batangas.

Apat na beses nakaligtas ang naturang exotic bet na nagsimula sa P109,494 na carry over at nagkapatung-patong ng tatlong beses hanggang sa matamaan ang lumobong dibidendong P630,098 para sa isang ticket na P2 ang halaga.

Mula sa orihinal na carry over pot, ito ay lumaki sa P189,801 dahil wala ngang nakakuha ng kumbinasyong 6-4-1-10-2-5 sa pagbubukas ng unang karera noong Linggo ng hapon.

Full gate ang kasunod na super six pero hindi rin nahagip ang kumbinasyong 11-4-1-2-9-14.

Lumaki pa sa P258,117 ang carry over pot patu-ngo sa ikatlo sa panghuling karera kung saan 10 entries naman ang naglaban.

Lumobo sa P412,061 ang carry over purse nang mula sa 10 kabayo ay wala pa ring nakakuha ng tumpak na kumbinasyong 10-7-3-2-1-5.

Sa huling karera ay muling nagkaroon ng full gate, pero 13 lang sa numero dahil mayroong coupled runners na nagkataong siyang pinaka-paborito.

Nang mapawi ang usok ng racetrack ay bumulaga ang dehadong kumbinasyong 6-1-7-12-2-4 na inakala ng marami na panibagong carry over pero nagrehistro ang isang nanalo sa naturang super six at nag-flash ang P630,098 na dibidendo. (JM)



Add a Comment

Your email address will not be published.