PICACHO
|PICACHO is a racing horse registered in Philippines.
– Horse Racing Wins, Statistics and Track Record in Philippine Race Track.
NAME | PICACHO |
---|---|
FOALED | 11/02/2015 |
SEX | COLT |
COLOR | BAY |
SIRE | RETAP (USA) |
DAM | PRINCESS GLORIA (AUS) |
Performance and Track Records
DATE: February 23, 2019 TRACK: MMTCI RACE#: 1
Finish: 4/6/1/3
Walong kabayo ang agwat na hinabol ni Picacho upang sikwatin ang panalo sa Condition Race (19) kahapon sa Metro Turf Club sa Malvar, Batangas.
Sinunggaban agad ni Hantik ang unahan paglabas ng aparato, hinawakan ang anim na kabayong distansya sa unang 300 metro ng karera.
Segundo puwesto si Picacho sakay si jockey JM Estorque, pero nang umabot sa walong kabayo ang distansiya ng bumanderang si Hantik ay nagsimula nang umusad ang winning horse.
Sa home turn, nagkapanabayan na sina Picacho at Hantik, sa huling 200 metro ay nakuha na ng una ang unahan.
Kalahating kabayo ang lamang ni Picacho sa sumegundong si hantik sa 1,200-meter race, tersero si Puso sa Paraiso habang pang-apat na tumawid sa meta si Laughing Tiger.