Simula na ang nominasyon para sa Triple Crown

Nagsimula na ang nominasyon ng mga tatatakbong kabayo para sa unang yugto ng Triple Crown stakes race sa Mayo 15 sa Saddle & Leisure Park sa Naic, Cavite.

Sa nominasyon lang ay magbabayad na ng P15,000 kada isang kabayo. At sa Mayo 10, 2016 ay may panibagong bayad na P30,000 para sa tuluyan nang deklarasyon ng mga entries.

Ang lahat ng bayad ay tinatanggap sa opisina ng Philippine Racing Commission (PHILRACOM) na nasa Elektra Building, Herrera Street, Makati. At doon rin gagawin ang drawing ng post position sa Mayo 12.

Maliit lang naman ang mga fees na ito, kumpara sa magiging papremyo na ang magiging kampeon ay nasa P1,800,000. Sa runner-up ay P675,000 at sa ikatlo ay P375,000 habang ang ikaapat ay P150,000. Ang distansiya ng karera ay 1,600 meters.

Ang ilan sa nasilip na malakas na contenders para sa prestihiyosong karera ay ang Dewey Boulevard na nanalo laban sa three year old na Gintong Lahi Graduate noong Abril 17 para sa P1,500,000 na premyo.

Sa naturang karera, tinalo ng outstanding favorite na Space Needle na nagkaroon ng hindi ina-asahang problema at ni hindi nakatapos ng karera nang pahintuin ng hinete sa medya milya.

Pero nakabalik ang Space Needle nang manalong hugando noong Abril 29 sa Santa Ana Park at kabilang sa tinalo nito ay ang coupled runner na Underwood at Spectrum na mga contenders rin sa TC.

Nanalo rin ang Piskante sa isang three year old local fillies & colts noong Abril 17 sa Sa Lazaro. (PM)



Add a Comment

Your email address will not be published.