Maghapong karera sa Miyerkules

Maghapong karera ang gaganapin sa Miyerkules sa karerahan ng Santa Ana Park na nasa Naic, Cavite.

Bilang opisyal na holiday, magkakaroon ng 12 karera at magiging tig-dalawa ang winner take all, pick six, pick five at maging ang pick four.

Magiging tampok na karera ang tatlong Senates Spouses Charity race na mga pakarerang pabenepisyo sa kanilang pangkawanggawang aktibidades.

Dalawa pang pa-benepisyong karera isasagawa naman ng Rotary Club of Manila Bay ang naihanay sa programa. Ang isa ay ang pabenepisyo ng Pintig Puso Pilipinas at ang isa pa rin ay ang Buhay Kalinga ng Luwalhati.

Ang line-up sa Foundatation Trophy race ay ang Princess Tin, Jazz Asia, Blue Plate, Tito Gene, High Hopes, Diamond’s Gold, Experto Patronum at Irish Toffee.

Sa Senate Spouses charity race ay ang Silver Valley, Humble Heart, Endless Rose, Aison Me, Wise Ways, Maincore Sunspots at Blusher.

Kabilang naman sa isa pang Senate spouses chairty race ang Uncle Ko, Summer Applause, Good Faith, Jazz Goldheart, Townsend, Jenz Slasher at Significant Smash.

Sa Pintig Puso Pilipinas naman kasali ang Scholar, Sydney Boy, Umbrella Girl, Kimagure, Mr. Universe, Polo Queen at Singkamas Scarlet.

At sa Bahay Kalinga ng Luwalhati, ang mga tatakbo ay ang Security Thunder, Katotohanan, Leave My Mark, Echomac, Blue Eagle, Security Chief, Sweet Victory, Blush Of Rose, Fame And Fortune, Boss Pogi at Hail Praeses. JMacaraig



Add a Comment

Your email address will not be published.