2nd Erap Cup sa San Lazaro sa July 10

Punong abala ang Manila Jockey Club sa final leg ng triple Crown at 2nd Erap Cup Racing Festival sa darating na Hulyo 10 sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona Cavite.

Muling magkikita sina Dewey Boulevard at Radio Active sa 3rd leg ng Triple Crown Series, ang karera ng mga 3-year-old island born thoroughbred horses.

Bukod kina Radio Active, first leg winner at second leg ruler Dewey Boulevard ang ibang kalahok sa event na may distansyang 2,000 meter race ay sina Underwood, Guatemala at Homonhon.

“Marami ang sumali sa first at 2nd leg umatras na lang ‘yung iba kasi iniisip nila na sina Radio Active at Dewey Boulevard ang maglalaban, pero malaki tsansang manalo yung tatlo pang kalahok,” sabi ni Atty: Dondon Bagatsing kahapon sa Philippine Sportswriters Association, (PSA) sa Shakey’s Malate.

Muling gagabayan ni PSA jockey-of-the-year Jonathan Basco Hernandez si Dewey Boulevard habang si class A rider John Alvin Guce ang rerenda kay Radio Active para asintahin ang tumataginting na P3M premyo sa unang kabayong tatawid ng meta.

Malulupit din ang mga kabayong kasali sa 2nd Erap Cup Open Championship ang culminating event sa selebrasyon sa Araw ng Maynila.

Mag-uunahan para sa P2.5M prize purse sina Our Angel’s Dream, Gentle Strength, Dixie Gold, Hayley’s Rainbow, Spinning Ridge, Up and Away, Penrith, Messi at Don Albertini.

Masisilayan din ng mga racing aficionados ang 3rd Leg ng PHILRACOM Hopeful Stakes Race kung saan walong kalahok ang mag-uunahan sa meta para sa P1M na premyo.

Ang mga aarangkada ay sina Indianpana, Mount Iglit, Pinagtipunan, Pinay Pharaoh, Real Flames, Secret Kingdom, Space Needle at Tagapagmana.



Add a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *