Bantay-sarado na raw ngayon ang ilang mga horse owners sa gastusin

Marami ang nakakapansin sa pagbagsak ng benta sa mga karerahan, hindi lang ra­cing clubs ang nakakapuna nito kundi ang mga major players ng industriya.

Ultimong mga sota at jockeys’ helper ay nadarama rin ng hindi magandang performance ng karera ngayon dahil sa pag­liit ng kita o komisyon sa kani-kanilang sources. Hindi pa kasama rito ang mga horseowners, jockeys, at horsetrainers.

Sa benta sa karera nakasalalay ang lahat ng mga porsyentong nakukuha nila tuwing sila’y magpapanalo o papasok sa timbangan.

Ang sinasabi ng iba ay medyo mahina ngayon dahil nagtitipid ang mga karerista sa nalalapit na pasukan ng mga anak nila. Meron namang nagsasabi “lean months” itong mga panahong ito. Meron ding nagsasabing baka dahil ito sa paglakas din ng mga “illegal bookies sa buong Kamaynilaan” at ang pagpasok pa ng Sabong Online Betting sa mismong loob ng mga OTBs kapag may pakarera ang PRCI at MetroTurf.

Ang tanong ng mga naaapektuhan ay kung “alam o nararamdaman din ba ito ng mga awtoridad sa karerahan?”

***

Bantay-sarado na raw ngayon ang ilang mga horse owners sa gastusin sa kanilang mga kuwadra dahil sa sobrang pagtaas ng bilihin sa pagsustena rito.

Kalimitang angal nila ay matinding gastusin sa kuwadra ganu’ng hindi naman nagpapanalo o kaya ay nakabakasyon ang karamihan ng kanilang kabayo.

Ilan sa kanila ay maagang gumigising para bisi­tahin ang kanilang mga kuwadra dahil malayo sa Maynila. ‘Yung iba naman ay nagpapakabit na ng DSL at CCTV monitors sa kuwadra para matutukan ang mga galaw doon. – Andy Sevilla – Abante



Add a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *