Dewey Boulevard hari ng Bagatsing Classique

Dalawang major races ang sinungkit ni Class A rider Jonathan Basco Hernandez noong Linggo sa selebrasyon ng 8th Ramon Bagatsing Centennial Classique sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.

Unang nirendahan ni reigning Philippine Sportswriters Association Jockey-of-the Year awardee Hernandez si three-year-old colt Dewey Boulevard sa Centennial Classique.

Ginabayan din niya sa panalo si Miss Dainty sa Midas Hotel and Casino Cup.

“I scored wins only later in the day. My competitors were very good early on,” wika ni Hernandez na may mga sinakyan pang pito pero bigo sa laban.

Nadalawahan ni Dewey Boulevard si Radio Active sa tatlong beses nilang pagkikita sa pista.

Nagwaging dehado sa first leg ng Triple Crown Championship si Radio Active, nabawian siya ni Dewey Boulevard sa second leg.

Punong abala sa racing festival ang Manila Jockey Club bilang pagbibigay alaala kay late Manila Mayor Ramon Bagatsing na isa sa finest ambassadors ng Philippine horse racing.

Maganda ang kinalabasan ng karera na ikinatuwa ng organizer na si Atty. Dondon Bagatsing, anak ng dating Manila Mayor.

“It was a success. There were long-shot winners and there were sure winners. There were favorites and there were underdogs in the lineup. We are grateful for the support of the racing public,” ani Bagatsing.

Nakopo ng may ari ni Dewey Boulevard na si Hermie Esguerra, trainer Ruben Tupaz at Hernandez ang premyong P600,000 matapos magtala ng tiyempong 1: 50 minuto sa 1,750 meter race



Add a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *