Humble Pie paborito sa Manila Horse Power Race

Tatlo ang pakarera ng Manila Horse Power nga-yong gabi at sa tatlong ito ay lubhang angat ang Humble Pie sa isang grupo.

Rerendahan ni apprentice Ramon D. Raquel Jr. ang Humble Pie sa ika-7:30 ng gabing karera sa distansiyang 1,500 meters.

Ang mga kalaban ay ang Something New na papatungan ni C.B. Diala, Lover Of All na sasakyan ni R.M. Ubaldo, Back Off na gagabayan ni F.A. Tuazon, Endless Rose na dadalhin ni C.V. Garganta, Mapaghinala na lalatiguhin ni R.G. Fernandez at Ideal View na igigiya ni C.P. Henson.

Ang unang Manila Horse Power special race ay sa ikalawang karera at sa parehong distansiyang 1,500 meters rin itatakbo.

Ang mga kasali ay ang Conquista Boy/J.L. Paano; Che Mi Amor/J.D. Flores, Esquisse Esquisse/A.S. Pare, Lady’s Night/J.G. Espinosa, Long Champ/C.B. Diala, Madam Butterfly/L.F. De Jesus at Beautiful Miss/A.R. Villegas.
Sa ika-6:30 ng gabi naman ang pangalawang Manila Horse Power special race kung saan kasali ang All Too Well-J.A. Guce, Prize Dancer-J.D. Juco, Dandino-R.O. Niu Jr., Smart Winner-R.M. Ubaldo, Apo-K.B. Abobo, Colonial Star-J.M. Saulog, Camry-A.R. Villegas at Charm Offensive-J.L. Lazaro. (JM)