Imported vs local: Challenge inaabangan ng mga karerista

Mas inaabangan at kinasasabikan na ng mga karerista ang ginaganap na imported versus local challenge race na pakarera ng Philippine Racing Commission (PHILRACOM).

Kung dati-rati kasi ay may ganito nang pakarera pero mapapansin na puro mga imported lamang ang nagsisisali at kinakabog ang mga locally-bred horses.

Ngayon ay marami nang sumasali na local horses at ang mga ito pa ang nangi-ngibabaw sa aktuwal na karera.

Katulad na lamang nitong nagdaang local versus imported challenge na ang locally-bred na si Tan Goal ang siyang nanguna at magkasunod na bumuntot sa kanya sina Tap Dance at Manalig Ka.

Sa darating na Mayo 1, Linggo, dito sa Metro Turf ay tatlong locally-bred horses ang nakalinya kontra sa anim na imported runners. Ang mga ito ay sina Mabsoy, Messi at Manalig Ka. Hindi pa nakalagay ang kanilang mga hinete.

Ang mga imported runners naman na mula Australia ay sina Aquamarine, Love To Death, Nerissa, Our Angel’s Dream at Speed To Bern. At ang nag-iisang runner mula sa USA ay ito namang si Premo Jewel.

Sa distansiyang 1,800 meters ang paglalabanan at P300,000 pa rin naman ang magiging premyo ng kampeon.

P112,500 sa runner-up; P62,500 sa third placer at P25,000 sa fourth placer. Bibigyan ng breeder’s purse na P15,000 kung ang magwawagi ay local horse.

Samantala, kung nitong Martes ay bumagyo ng mga dehadong entries ay tila umuulan pa rin ng mga dehadong nanalo nito namang Miyerkules. Ang take all dividend ay P4,077 at P5,158 sa una at ikalawang set. Sa pick five ay P695 at P415 sa una at ikalawa, samantalang sa pick six ay > P2,264 at P415 pa rin sa pick four. – Pang Masa (JM)



Add a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *