JRA Cup sa MetroTurf

Tuloy ang JRA Cup, ang pinaka-highlight ng Japan Racing Festival, sa Setyembre 4 sa MetroTurf.

Ipinalabas na ng isponsor na Philippine Racing Commission ang listahan ng nominated entries sa karera na may kabuuang papremyong P500,000. Ang mananalo’y pagkakalooban ng first prize na P300,000 at ang winning owner, trainer, at hinete ay pagkakalooban ng tig-isang tropeo.

May 15 kabayo ang nominado dito: Absoluteresistance, Aerial, Bite The Dust, Blowby, Brennero, Constantinople, Creative, Double Rock, Fighting back, Fun Day Fest, Graf, Guanta Na Mera, Jundiman, Tapped It, at Xen Young.

Paglalabanan ang karerang ito sa distansiyang 1,600 meters at isa ang puwedeng matanggal sa lineup dahil 14 lang ang final entries na pupuwedeng tumakbo.

Ang segundo’y bibigyan ng P112,500, ang tersero’t quarto ay tatanggap ng P62,500 at P25,000.

Bilang pagpapaha­laga sa pagdiriwang ng JRA Cup sa unang pagkakataon sa MetroTurf, ginawang isang Japan Racing Festival ng Metro Manila Turf Club ang buong araw.

Ilan sa mga karera’y sponsored ng iba’t ibang kumpanya tulad ng Isuzu Philippines Corporation, SOGO Hotel, DLTB Company, at Tecson Farm.

Ang JRA Cup ay isang exchange goodwill race na kapalit sa ginagawang pantaunang the Philippines Trophy Race sa JRA Asia Week of Racing na huling ginawa noong Hulyo 16-17 sa Chukyo Racecourse.

Dumalo sa pagtitipon ang representatives ng Metro Manila Turf Club na sina vice presidents Ronald Alfeche at Andy Sevilla – By Andy Sevilla



Add a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *