Line-up para sa Special 2YO Maiden Race ng PCSO Inihayag
|Inanunsiyo ng sponsor na Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang mga tatakbo sa kanilang special two year old maiden sa Sabado.
Ang mga ito ay ang Spin Move na dadalhin ni R.R. Camañero, Flintridge na sasakyan ni Mark A. Alvarez, April’s Song na rerendahan ni Jomel L. Lazaro, Army Of Love na igigiya ni Pat Dilema, Corazon na papatungan ni Jeffrey T. Zarate, Kulimlim na patatakbuhin ni Claro S. Pare Jr.
Ang iba pang nakasali ay ang Pangalusian Island na si John Peter A. Guce ang sasalang, Kingship na si Jordan B. Cordova ang sasakay, Secret Affair na lalatiguhin ni Jessie B. Guce, Brilliance na nakaatang kay Kelvin B. Abobo, Dandelion na si apprentice Onil P. Cortez ang hinete at The Apprentice sa renda ni Mark M. Gonzales.
Ang Piskante na triple crown campaigner ang nakatakdang tumakbo rin kalaban ang Etonako, Persian Empire, Music Of Life, Airborne Magic, Hidden Moment at King Bull.
Samantala, puspusan na ang paghahanda ng Tan Goal para sa darating na PCSO Presidential Gold Cup na idaraos sa Disyembre 4, 2016 dito rin sa San Lazaro Leisure Park.
Sa katunayan, isinali ang kabayo ni Ferdie T. Eusebio na kinukundisyon ni Danilo R. Dela Cruz ngayon sa isang Handicap-9 race at si Jessie B. Guce ang mamamatnubay sa kanya gaya ng sa Gold Cup.
Makakalaban ng Tan Goal ang mga de-kalidad na Love Hate na sasakyan ni Jonathan B. Hernandez, Wannabe na papatungan ni R.C. Landayan, Watershed na rerendahan ni R.B. Simplicio, Hurricane Ridge na dadalhin ni Herime Dilema at Breaking Bad na gagabayan ni Y.L. Bautista.
Ang ikikilos ng Tan Goal sa 1,300 meter distance race, ang magiging batayan ng kanyang tsansa para sa mas mahabang distansiyang 2,000-meters sa Gold Cup na mas mahigpit ang laban. (JM)