Maraming Nalungkot sa Pagkatalo ng Low Profile

Marami ang nalungkot sa ‘di inaasahang pagkatalo ng outstanding favorite na Low Profile sa ginanap na 2016 PCSO Anniversary race.

Pang-apat lang itong dumating sa ginanap na 1,600 metro distansiyang karera na pinangunahan ng Kanlaon na ginabayan ni Val Dilema.

Ang panalo ay nagkakahalaga ng P800,000 papremyo na kaloob ng Philippine Charity Sweepstakes Office.

Ang nasegundo ay ang Dinalupihan na dinala ni Jeffrey T. Zarate na nagsubi ng P350,000 second prize.

Ang Cat’s Dream na nirendahan ni John Alvin Guce ang kumuha ng ikatlong puwesto na P200,000 at ang pang-apat na premyong P150,000 ang napunta sa koneksyon ng Low Profile.

Sa ginanap na Sampaguita Stakes race ay prenteng nakatawid sa meta ang Skyway na pinangunahan ni apprentice Onil P. Cortez.

Pumangalawa ang rumemateng Court Of Honour at tersero naman ang Gentle Strength.

Sa Klub Don Juan de Manila juvenile colts ay ang Salt And Pepper na sinakyan ni Jonathan B. Hernandez ang siyang nagpasikat. Pumangalawa ang Biglang Buhos na iginiya ni Mark A. Alvarez.

Sa KDJM juvenile fillies stakes ay ang Bossa Nova na si J.B. Hernandez rin ang namatnubay ang siyang nanalo. Segundo rito ang Rochelle, bago sina Mysterious Sound at Security Empress.

Sa tampok na karerang Klub Don Juan De Manila Derby ay hugandong nagwagi ang Dewey Boulevard na ginabayan ni J.B. Hernandez. Second placer sa kanya si Bite My Dust at malayong tersero si Space Needle.



Add a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *