Mga nagbida sa mga Philracom races
|Sharp As Ever, Our Angel’s Dream at Atomicseventynine nagbida sa mga Philracom races
Mahusay na naitawid sa meta ni jockey Christopher V. Garganta si Sharp As Ever para masungkit ang panalo sa ginanap na Philippine Racing Commission Cup sa San Lazaro Leisure And Business Park kamakailan.
Sa panalo ay naibigay ni Sharp As Ever ang unang premyong P240,000 para sa koneksyon niya na sina MC L. Sordan, Donny Sordan at Garganta na kapareho rin ng premyong nahablot ng koneksyon ni Spring Collection na sinakyan ni Mark M. Gonzales na siya namang nagbida sa Manila Jockey Club, Inc., Cup.
Nasiyahan naman si Philracom chairman Andrew Sanchez sa pagsasabing “It was an exciting day for race fans.”
“From the races in the Ramon Bagatsing Centennial Classique down to our very own (Philracom) races, I think everyone went home with satisfied with the top-quality races that we offered,” dugtong pa ni Chairman.
Samantala, naihatid din sa panalo ni Apoy Asuncion ang may apat na taong si Atomicseventynine para sa Challenge of Champions Cup ng Resorts World Manila.
Napigilan ni Atomicseventynine ang pag-alagwa ng Kanlaon pati na rin ang masidhing pagpaparemate ni Love To Death sa may 1,750-metro distansiyang karera para sa P600,000 premyo.
Doon naman sa ginanap na 5th leg imported/local challenge race ay nangibabaw si Our Angel’s Dream na pinamatnubayan ni Conrad P. Henson para sa unang premyong P300,000 na kaloob pa rin ng Philippine Racing Commission.
Nagawa ring mapigil ng Our Angel’s Dream ang pagpaparemate ni Messie sa huling yugto ng 2,000 meter race.
Tersero rito si Silver Sword bago sina Strong Champion at Star Belle. (JMacaraig)