Pagkubra sa winning tickets pina-extend ng MJCI

Binigyan ng Manila Jockey Club Inc. (MJCI) ng 30-day extension para sa pagkubra ng mga karerista sa kanilang winning tickets.

Dahil isinailalim sa enhanced community quarantine (ECQ) ang National Capital Region (NCR) plus bubble, may mga winning tickets pa ang hindi nakukubra ng mga karerista at nabahala ang mga karerista na baka mapaso ang kanilang hawak na ticket.

Pinahaba ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang ECQ sa NCR Plus at ang patakaran sa karerahan ay isang buwan lang ang ibinibigay na palugit para kubrahin ang winning ticket.

Natuwa naman ang mga karerista sa magandang balita na pinost ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) sa kanilang Facebook page

“With the temporary suspension of our racing operation due to the enhanced community quarantine (ECQ) implemented by the IATF in NCR plus bubble which includes Carmona, Cavite, we would like to inforn the Games and Amusements Board (GAB) that we will be extending the validity of all unclaimed dividends and winning for 30 days for the races held from February 16, 2021 to March 17, 2021. Claiming of tickets shall start upon resumption of operations as allowed by IATF, Philippine Racing Commission and GAB.” ayon sa statement ng MJCI.

Kinansela ang karera noong Marso 20 na gaganapin sana sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.

Pagkakataon sanang kubrahin ng mga karerista ang kanilang winning tickets dahil sa San lazaro ang karera pero biglang kinansela ang karera at nawalan ng operation na umabot na sa mahigit tatlong Linggo.

Naapektuhan din ang paglarga ng ilang stakes races tulad ng Commissioner’s Cup na pakakawalan sana noong March 21. – Nilda Moreno (Pang-masa O) 



Add a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *