Philracom Jockeys and Trainers Academy itinatag
|Kinuha ng Philippine Racing Commission ang serbisyo ng retired veterinary medicine professor para hawakan ang bagong tayong Philracom Jockeys and Trainers Academy.
Papatakbuhin ni Ceferino R. Maala, professor emeritus at dating assistant dean ng University of the Philippines College of Veterinary Medicine ang academy na may two-year courses para maging jockey at trainer.
“This is in line with our commitment to provide the highest standards of training for jockeys and trainers,” sabi ni Philracom Chairman Andrew A. Sanchez.
Sisimulan ng Philracom Academy ang 2016 school year sa pamamagitan ng trainers course sa April 28 sa San Lazaro Leisure Park, Carmona, Cavite.
Ang first semester sa first year ay mula April hanggang July 2016 na may tatlong subjects na equine anatomy and conformation, equine health and disease management at equine nutrition.
Ang second semester mula September hanggang December ay katatampukan ng stable management at horse training and fitness development.
Sa second year, ang animal welfare (legal aspects) at rules and regulations of horse racing ang ituturo mula January hanggang April 2017. Buong taon ang apprenticeship bilang practical subject. Ang supervision sa mga estudyante ay pamamahalaan ng sampung Philracom-licensed trainers.
Ang fee ay P1,000 per month lang.
Inaayos pa ang training course para sa jockeys sa pakikipagtulungan ng bagong Philippine Jockeys Association at ihahayag na lamang ang mga detalye.
Noong March 9, inaprubahan ng Commission ang jockeys and trainers courses na magbibigay ng basic know-ledge sa horsemanship at horse conditioning sa pamamagitan ng classroom lectures at hands-on training.
Sa pamamagitan ng mga kursong ito, maaaring maging profession ang pagiging jockey at trainer para makapagtrabaho rin ang mga ito sa ibang bansa.
Ang Philracom ay nakikipag-usap pa sa Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) para sa official government accreditation ng mga kurso.
Para sa mga interesado, tumawag sa Philracom sa 843-0971. – Pang Masa