River Mist nilampaso si Nounpareil

NAGMASID sa segundo puwesto at saka guma­law sa far turn upang sikwatin ang panalo ng third choice River Mist sa PHILRACOM-RBHS race sa Santa Ana Park sa Naic, Cavite Linggo.

Pangalawa sa largahan, pinagmasdan lang ni class A rider Ronald Baldonido, hinete ni River Mist, ang bumanderang si Great Britain.

Tatlong kabayo ang lamang ng pag-aari ni NO Morales na si Great Britain sa huling 600 meters ng karera subalit sa rektahan ay inagaw ni River Mist ang unahan at tinawid nito ang meta nang walang kahirap-hirap.

Hindi nakaporma ang liyamadong sina Nounpareil at second choice Lollipop kaya dismayado na naman ang mga liyamadista sa Race 3 na may distan­syang 1,300 metro.

Segundong duma­ting si Nounpareil, tersero si Great Britain habang pang-apat si Lollipop sa event na may karagdagang P20,000 na premyo sa winning horseowner na inisponsoran ng Philippine ­Racing Commission.



Add a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *