Son Also Rises nagpakitang-gilas
|Nagpamalas ng husay at bilis ang Son Also Rises para mapalakas pa ang tsansa ng Abalos stables na muling magningning sa Triple Crown stakes races.
Nagpakita ng pruwebang 1:24 sa distansiyang 1,400 meters, ang Also Rises na isang tatlong taong kastanyo na mula kay Ibarra at inahing si Dreambride, ay nagbigay buhay sa mga Abalos para madomina ang mga stakes races.
Sa medyo basang pista na sanhi ng ulan, tinahak ng Son Also Rises, na ginabayan ni Kelvin B. Abobo ang karera na may quarter times na 13.5; 22.5; 22.5 at may dating pang 26 segundo.
Walang naisaling kabayo ang Abalos stables sa nakaraang first leg ng Triple Crown na pinagbidahan ng Santa Clara Stockfarm sa tagumpay ng kabayong Radio Active.
Nagsali naman sa hopeful stakes ang Abalos stables at ito ay ang Pinagtipunan, isa rin sa anak ng Ibarra at ipinamatnubay kay Jonathan B. Hernandez ngunit nasegundo lamang sa nagwaging si Guatemala.
Halos kinuhang lahat ng Son Also Rises ang benatahan sa takilya nang maging super outstanding favorite ito.
Sa winner take all lang na nag-gross sales na P3,277,191 ay P2,820,931 na ang napunta sa Son Also Rises. – Ni JMacaraig