Dapat sana

Sa pagbabago ng administrasyon, kinakailangan na rin naman ang pagpapalit na rin ng mga namamahala sa industriya ng karera.

Ito ang nagkakaisang tinig ng maraming sector sa karera ngayon at maraming mga major pla­yers ang nagsasabing kinakailangan na ng mga taong progresibo ang pag-iisip para naman mabago ang patuloy na pananamlay nito.

Mantakin naman ninyo na mahigit 10 taon nang walang pag-unlad ang karera sa benta at tagasuporta nito. At marami na ring mga investors ang nanamlay at umalis na sa karera.

Kahit na merong mga pumalit, hindi pa rin ito katumbas ng mga malalaking players na dating walang sawa sa pagsuporta sa industriya dahil sa laki ng pagmamahal nila dito.

***

Halos dalawang linggo lang ang pagitan at sasabak na uli ang nagkampeon sa Kentucky Derby na si Nyquist at iba pang mga nakalaban niya at mga tinatawag na ‘shoo­ters’ sa ikalawang leg na Preakness Stakes sa Baltimore, Maryland.

Sa ngayon ay unti-unti nang nabibigyan ng aten­syon si Nyquist ng mga US racingfans na magpahanggang ngayon ay nakatuon pa rin an atensyon sa nakaraang taong Triple Crown champion na si America Pharaoh.

Dahil na rin sa magandang panalo nito sa Run For The Roses, marami ang humuhulang puwedeng makadiretso si Nyquist at tangha­ling susunod na US Triple Crown champion. Kapag nangyari ito, sisikat ng husto ang pangalan niya sa buong mundo.

***

Wala pa tayong listahan ng mga sasali sa unang leg ng Triple Crown Series dito sa atin na magaganap sa Mayo 22.

Dito sa atin ay halos isang buwan ang pagitan ng bawat leg kung ikukumpara sa US Triple Crown na halos dalawang linggo lang ang pagitan.

Ang malaking katanungan ay kung meron bang kabayong nangi­ngibabaw ang katangian at performance para maka-sweep ngayong taon?

***

Kailangang banta­yan ng taumbayan ang resulta ng ating nakaraang elections at panahon na rin para suportahan kung sino man ang mga nanalo.

Panahon na rin para ipaglaban nating lahat ang paglalagay ng mga bagong personalidad sa Philracom na ang puso at isipan ay para sa ikauunlad ng industriyang ito.

Kung talagang ilalagay lamang sa tamang aspeto ang kalagayan ng sa­ngay ng pamahalaang ito, dapat sana ay isa na tayo sa maunlad na bansa kung saan popu­lar ang karera.

Sa ngayon, kulelat ang Pilipinas base sa popularidad at revenue mula sa karera dahil na rin sa kakula­ngan ng promos­yon na dapat sanang pinangu­ngunahan ng opisinang ito! – ANDY SEVILLA



Add a Comment

Your email address will not be published.