Hopeful Stakes Race at 3YO locally-bred horses

Asahan na ang pagi­ging masyadong makulay ang mga pakarera sa Linggo sa karerahan ng Santa Ana Park.

Lalarga na kasi ang ina­abangang 1st leg ng trip­le crown stakes race.

Kasama rin sa magi­ging highlight ay ang pagdaraos ng Philippine Racing Commission Hopeful Stakes race at ang isa pang grupo na pa­ra sa mga three year old locally-bred stakes race.

Ang mga nakatakdang tumakbo sa hopeful stakes race ay ang Dance Again, Gee’s Jewel, Guatemala, Homonhon Island, Mahayana Budur, Pi­nagtipunan, Pinay Pharaoh, Real Flames, Secret Kingdom, Striking Co­lors at Tapped It.

May P1,000,000 papremyo ang inilaan ng Phi­lracom at ang magka­kampeon ay kukubra ng P600,000, sa second pla­cer ay P225,000, sa third ay P125,000 at sa fourth ay P50,000 at may bree­ders’ purse na P30,000 sa winner.

Nauna nang naibalitang ang Guatemala ay ma­lakas na contender pa­ra sa triple crown ba­gama’t natalo ng ilang beses kung kaya’t sasabak muna sa Hopeful bago pu­masok sa second leg ng triple crown.

Sa parehong distan­siyang 1,600 meters ay ilalarga ang 1st leg triple crown, hopeful at ma­ging ang pakarera para sa iba pang three-year old locally-bred stakes race.

Mas maraming entries ang nagnanais sumali sa mga palahing tatlong taon gulang na kabayo.

Ang mga tatakbo ay ang Aremo, Charlord, Con­tessa, Garlimax, Gintong Yaman, He He He, Johnny Be Good, Kanga­roo Court, Love Hate, Most Trusted, Mount Ig­lit, Pangarap, Play It Safe, Professor Jones, Sizzling Hot, Sunday Surprise, Tricoinsndfountain at Virgin Victoria.

May P500,000 ang nailaan ng Philracom sa nasabing karera na ang winner ay pagkakalooban ng P300,000, sa runner up ay P112,500, sa third ay P62,500 at sa fourth ay P25,000.

Ang breeders’ purse ay tatanggap ng P15,000. (JMacaraig)



Add a Comment

Your email address will not be published.