Mga paborito babantayan ng bayang karerista

Mga liyamado ang inaasahang manalo nga-yong gabi ng mga racing experts base sa laman ng programa.

Sa dalawang winner take all na matatayaan, ay may tig-limang entries ang puwedeng ipang-single na siyang magpapababa ng dibidendo sa pinakatampok na tayaan.

Mahirap bunuin o talunin ang mga ito, ayon pa sa mga race clockers at tiyempista na masusing sumusuri sa mga nakalatag na programa.

Sa unang karera ay ang Ariston na papatungan ni Jessie B. Guce ang paborito at sa kasunod na karera ay ang Hidden Moment naman na sasakyan ni Kelvin B. Abobo ang siyang pang-single ng mga tipsters.

Sa pambungad ng ikalawang set ng take all sa ikatlong karera ay ang Mayon Volcano na gagabayan ni Fernando M. Raquel Jr. ang napipisil ng mga experts.

Ang masasabing “one for the day” ay ang imported runner mula USA na Premo Jewel na papatungan ni B.L. Salvador.

Ang ikalimang karerang ito ang magsisilbi ring mini stakes dahil karamihan sa mga kasali ay pawang mga de-kalibreng kabayo na nasa mataas na grupo.

Sa likod ng programa ay may natitira pang tatlong entries na pinapatok.

Sa ikaanim na karera ay nagkakaisang pinili ang coupled runners na Faithfully at Only One bilang paborito.

Sa penultimate card ay ang coupled entries na Muscovado na sasakyan ni J.G. Serrano at Mrs. Jer na rerendahan ni R.F. Torres ang top choice.

Sa huling karera ay pinapaboran naman ang Maldita Ka ni C.P. Henson.



Add a Comment

Your email address will not be published.