OTBs konti

PANAHON na para pag-ukulan ng pansin ng mga awtoridad kung paano nga ba mapo-promote ng husto ang industriya ng karera para naman magkaroon ng makabuluhang pag-unlad mula sa mahigit 10 taon nang pagkakalugmok nito.

At isa na nga rito ay ang isyu tungkol sa off-track betting stations (OTBS) na makikita lamang halos 90 porsyento rito sa Kamaynilaan. May mangilan-ngilan na makikita sa labas nito at hindi mataong lugar.

Sa ngayon ay suwerte nang umabot sa 250 ang OTBs na nakabukas ang tatlong karerahan dahil marami na ang nalugi dahil sa taas ng renta sa puwesto o kaya naman ay hindi na halos pinupuntahan ng mga racing aficionados.

Sadyang bagsak ang bentahan ngayon sa tatlong karerahan kung kaya’t patuloy ang paghina ng industriyang ito pagkatapos ng mahigit nang 10 taon.

Hindi nakapagtataka kung bakit sa Kamaynilaan makikita ang karamihan ng OTBs. Ito’y dahil na rin sa hirap kumuha ng mga business permit sa ibang malalaking bayan sa bansa dahil iba’t ibang mga rason.

Dahil na rin sa puwedeng maging kalaban ito ng jueteng o kaya’y ibang mga iligal na sugal, minamarapat ng mga operators nito na huwag mabigyan ni Mayor ng kaukulang permiso para makapag-operate ang OTBs kung saan naglipana ang mga iligal.

Kung ikukumpara sa Lotto na merong mahigit 3,500 outlets sa buong bansa, masasabing ang 250 OTBs ng karera ay halos kapiranggot lang ang porsyen­to. Ito ang dahilan bakit hanggang ngayon ay walang paglaki ng benta sa takilya magpahanggang ngayon. – Andy Sevilla



2 Comments

Add a Comment

Your email address will not be published.