Tawa Tawa vs Gawang Pinoy – magandang Match-up ngayon

Isang duwelo ang mapapanood sa paghaharap ng dalawang kabayong may magka-ibang estilo ngayong hapon sa Metro Turf Complex sa Malvar-Tanauan, Batangas.

Sa isang MMTCI Invitational race group 15 magtatagpo ang debanderang Gawang Pinoy na papatungan ni jockey Fernando M. Raquel Jr., kontra sa deremateng Tawa Tawa na sasakyan naman ni E.G. Reyes Jr.

Parehong galing sa panalo ang dalawang kabayo at nagkabitan sa daily doubles na nag-umento ng P37.50 sa bawat P5 taya noong Disyembre 28, 2016.

Ang Gawang Pinoy na isang walong taong kastanyo na pag-aari ni C.G.B. Yanuaria at ang Tawa Tawa ay entry ni Benjie B. Virata.

Nang bumukas ang aparato ay sumirit na ng tulin ng Gawang Pinoy na si F.M. Raquel Jr. din ang patong at sa kabila ng paghahabol ng mga kalaban ay nanalo pa rin.

Ang Tawa Tawa ay nanalo naman sa pamamagitan ng pagpaparemate ni E.G. Reyes Jr. at tinalo ang Holly Bullea.

Kasali rin sa labanan ang Nicole’s Pet, Aliman, Atinkupung Sing-sing at Sell Sword. JMacaraig



Add a Comment

Your email address will not be published.