KDJM/MMTCI trophy races

Ang mga pakarera sa araw na ito ay magsisilbing pasakalye para sa gaganaping 15th Klub Don Juan De Manila Derby sa Linggo.

Mga trophy races ang ibabandera sa nakapaloob sa 10 karera.

Ang una at huling karera ay ang KDJM/MMTCI trophy races na parehong pagkakalooban ng Haojue Motorcycle at adisyunal na P20,000 na premyo.

Para sa iba pang mga trophy races ay may adisyunal na P20,000 para sa owner at dagdag pa na P20,000 na kaloob naman ng KDJM kung matikas nga ang tayo ng miyembro.

Nangunguna sa listahan ang Board Member Paolo Crisostomo race sa ikalawang karera at dito ay kasali ang kabayo ng race panelist na si Ira Herrera na Keeper Of Grace.

Sa General Milling Corporation trophy, ang mga kabayong tatlong gulang ang mga kasali.

Balikatan lang ang laban dito ng pitong kalahok, bagama’t napipisil ang Virgin Victoria na malakas ang remate.

Mapapanood din ang pakarera ng Davao Bay Coconut Oil Mills, Inc., trophy race. May 12 na kabayo ang kasali.

Ang Mercury Freight International Inc., trophy race ang kasunod na may siyam na kalahok.

May pakarera rin ang Mustang Security Agency trophy race at 12 na kabayo rin ang kalahok.

Sa Metrowalk Commercial Center trophy race ay 11 naman ang sumali.

Sa Jeleina Trading Trophy race ay sampu ang magtatagisan ng bilis at tulin sa kaparehong distansiyang 1,400 meters. (JM)



Add a Comment

Your email address will not be published.