Maagang pamasko ng KASAPI

Ilulunsad ngayong hapon ng Karera Station Association of the Philippines (KASAPI) ang isang makabuluhang proyekto nito para sa kanilang mga miyembro sa isang general assembly meeting na ipinatawag ni president Nicson Cruz sa Quezon City.

Ito ay pinangalanan nilang “Maagang Pamasko At Tulong Pangkabuhayan Sa Mga OTB-Members!” kung saan mabibiyayaan ang mga miyembro ng KASAPI na lalahok sa isang engrandeng pa-raffle sa Disyembre.

Sa pakikipagtulungan na rin sa Metro Manila Turf Club, ipagpapatuloy ng KASAPI ang napasimulan nang proyekto ng MMTC na “P20 Manalo ng Motorsiklo!” kung saan 12 A-1 Conditioned Haojue 110 Motorcycles ang ipara-raffle sa Disyembre 18 at live ito na may TV coverage ng karera sa MetroTurf sa Malvar-Tanauan, Batangas.

Opo, 12 motorsiklo ang ipara-raffle kada karera sa nasabing araw at lahat ay puwedeng sumali kapag bumili kayo ng tiket na ibebenta sa lahat ng mga sasaling OTBs sa bansa na nagkakahalaga lang ng P20 bawat isa.

Labis na mabibiyayaan ang mga sasaling OTB-Members dahil sa bukod sa meron silang porsyento sa mga mapagbibilhang tiket, magkakaroon pa ng pa-raffle buwan-buwan ng isang A-1 Conditioned Haojue Motorcycle kada buwan mula Setyembre hanggang Nobyembre at tatlong (3) units naman sa Disyembre. Exclusive lang ito sa mga OTB-Members na sasali at magbebenta ng mga tickets ng “P20 Manalo ng Motorsiklo!”

“Inaanyayahan namin ang lahat ng mga KASAPI OTB-Members na umattend mamayang hapon sa aming general assembly meeting kung saan ilulunsad namin ang isang makabuluhang proyekto para sa ating mga miyembro na magsisilbing maagang pamasko ng organisasyon para sa kanila at maging sa kanilang mga parukyano,” ang sabi ni KASAPI president Nicson Cruz.

Ngayong hapon ay isang A-1 Conditioned Haojue 110 Motorcycle at 10 cellphones na ang ipapa-raffle sa mga masuwerteng OTB-Members na magsisidalo sa nasabing general assembly meeting at grand launch ng nasabing proyekto



Add a Comment

Your email address will not be published.