NPJAI special races

TEN “NPJAI Special Races’’, sponsored by different horseracing entities and personalities, ang magpapasida sa bayang karerista this hot hot Saturday afternoon sa paglipat ng mga karera sa Santa Ana Park in Naic, Cavite.
Magsisimula ngayon ito ng alas quatro ng hapon at kinapapalooban ng two sets ng WTA, Pick-6 at Pick-5 at ang tanging Pick-4 event covering the usual last 4 Races.

Tuwing sumasapit ang okasyong ito, laging masigla at masaya sa loob at labas (OTB) ng karerahan… may “Special prizes at Gift Packs’’ to the winning grooms pati na ang mga exercise riders.’’

Bukas, Linggo, ay gaganapin naman ang “2016 Annual NPJAI Jockey’s Day at ang nakatuwa 2nd Jockeys “Foot Race Event.’’

Bukas ko na rin babanggitin ang mga naglalakihan mga karera at mga papremyo dito.
Habang isinusulat ko ito, ginaganap naman ang PHILRACOM-MJCI Summer Racing Festival. Nakasalang din dito ang Super 6 carry over amount of P68,461.21

Noong Huwebes naman sa San Lazaro, ang 1st set ng WTA covering Races 1 to 7 ay nagbigay ng premyong P17,569.80, ang Pick-6 (2-7) ay P1,408, ang Pick-5 ay P437.60 at ang Pick-4 ay P118.60

Nagsipanalo rito from Races 1 to 7, respectively, ay ang Super Spicy, Leather King, Valenzuela, Think Twice, Cassie Dear, Show Me The Money, at Grace Giver or combinations 6-6-5-2-5-5-2.

Sa pagpasok ng buwan ng Mayo, gaganapin ang 3rd Leg Imported/Local Challenge Race sa Metro Turf. Nominated entries dito ay ang Aquamarine, Love To Death, Mabsoy, Manalig Ka, Messi, Nerissa, Our Angel’s Dream, Premo Jewel at Speed To Bern.

So there…. Good Luck and see you guys at our usual Samson’s Billiard OTB at Saint Joseph and/or at Obel dela Paz Momay’s Carinderia OTB at Marick, Cainta. (JOHNNY DECENA)



Add a Comment

Your email address will not be published.