2016 Philracom Triple Crown series papagitna ngayon

Nakatakdang pakawalan ngayon ang pinaka­pres­ti­hiyosong racing extravaganza para sa mga three-year-old horses, ang Philippine Racing Commis­sion-backed Triple Crown series, sa Saddle & Clubs Leisure Park sa Naic, Cavite.

“Like in past stagings of the Triple Crown, we expect this year’s event to be another well-attended edition,” sabi ni Philracom chairman Andrew A. Sanchez. “Participating horseowners and their families will be there, and so are the fans cheering for their favorite horses and jockeys.”

Babanderahan ng Dewey Boulevard ni multi-titled owner Hermie Esguerra ang mga maghahangad sa korona bukod pa sa Indianpana ng Deemark International Trading Corp., Kid Benjie ni Benjamin Virata, Radio Active ng SC Stockfarm Inc., Sky Dancer ni Joseph Dyhengco, Space Needle (filly) at Underwood ng Stony Horse Farm Inc., Spectrum ni Narciso Morales at Subterranean River Filly (filly) ni Wilbert Tan.

Nakataya ang kabuuang P3 milyon sa karerang pa­tatakbuhin sa distansyang 1,600 meters kung saan ang P1.8 milyon ay ibibigay sa champion horse at ang P675,000 ay para sa runner-up.

Ang papangatlo at papamg-apat ay tatanggap ng P375,000 at P150,000, ayon sa pagkakasunod.

Ang three-leg series ay mula sa Triple Crown ng United States na binubuo ng Kentucky Derby, Preakness Stakes at Belmont Stakes.

Iba’t ibang kabayo ang nagwagi sa Triple Crown no­ong nakaraang taon.

Ang first leg ay kinuha ng Superv, habang ang Court of Honor ang nagbida sa second leg at ang Miss Brulay ang nanguna sa third leg.

Ang tatlong legs ng 2014 Triple Crown ay winalis ng Kid Molave ni Emmanuel Santos at nagbulsa pa ng P500,000 bonus mula sa Philracom.

Ang serye ay inilunsad noong 1978 na nagtampok sa paghahari ng Native Gift sa unang dalawang legs ka­sunod ang Majority Rule sa third leg.

Ang mga naging Triple Crown champions ay ang Fair and Square (1981), Skywalker (1983), Time Mas­ter (1987), Magic Showtime (1988), Sun Dancer (1989), Strong Material (1996), Real Top (1998), Silver Story (2001), Hagdang Bato (2012) at Kid Mola­ve (2014).

Nakalatag din ang Philracom Hopeful Stakes Race na may premyong P1 milyon at ang Philracom 3YO Lo­cally Bred Stakes Race na nag-aalok ng P500,000.

Ang mga sasabak sa Hopeful Stakes Race ay ang Dance Again, Gee’s Jewel, Guatemala, Homonhon Is­land, Mahayana Budur, Pinagtipunan, Real Flames, Secret Kingdom at Striking Colors, habang ang Charlord, Garlimax, He He He, Johnny Be Good, Kangaroo Court, Love Hate, Most Trusted, Mount Iglit, Pa­ngarap, Play It Safe, Professor Jones at Virgin Victoria ang lalahok sa 3YO Locally Bred Stakes.



Add a Comment

Your email address will not be published.