Marami ang nabulaga sa tatlong malalaking karera

Marami ang nabulaga sa mga panalo sa tatlong malalaking karera ng mga 3-year-olds nitong Linggo.

Unang gumawa ng sorpresa si Mount Iglit sa 3-Year-Old Locally Bred Stakes nang talunin niya ang mga nakalabang 3-year-olds na nagpasyang huwag nang sumali sa 1st leg ng Triple Crown at sa Hopeful Stakes.

Sumunod si Guatemala na pag-aari ni dating Com. Jun Sevilla na nanalo sa Hopeful Stakes sa sumunod na karera.

Malayong tersero llamado lang si Guatemala (Kangoo-Western City) sa karera na-llamado sina Secret Kingdom at Pinagtipunan. Sinundan lang ni Guatemala ang mga pacesetters bago ito gumalaw para kunin ang unahan pagpasok doon pa lang sa far turn.

At malayong nanalo ito sakay ni Kelvin Abobo para makuha ang first prize na P600,000.

Ang pinakamalaking upset ay nailista ni Radio Active (Lim Extensive Toy-Lacquaria) na pagmamay-ari ng SC Stockfarm Inc.

Dehado ito at hindi inaasahan ang panalong yun ng kabayong pinatnubayan ni Alvin Guce.

Maipagmamalaki ito ni Roland Lim na dating may-ari ng 2009 Imported champion na si Lim Expensive Toys. Isa ito sa first crop na maituturing ng nasabing stallion.

Hanggang ngayon ay nagpaparamdam pa rin itong si Lim Expensive Toys maski na nasa stud farm na at nagsisilbi sa farm ng SC Stockfarm ni Jojo Velasquez sa Batangas.

Congratulations sa mga nakadehado!



Add a Comment

Your email address will not be published.